Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 5 Welcome
  • 2 of 5 Isumbong sa Kasurog
  • 3 of 5 Social Distancing is Important
  • 4 of 5 Facebook Cloning
  • 5 of 5 HealAsOne
Friday, 06 January 2017 13:15

TOP 2 SA LISTAHAN NG DRUG WATCHLIST TIKLO SA MATNOG, SORSOGON Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Matatandaan na noong Nobyembre 24, 2016 bandang ala una ng madaling araw, nahuli ang Numero Uno sa listahan ng mga Wanted na Drug Personalities sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Kagabi, Enero 4, 2017 bandang ala 6:00 ng gabi, sa may Maharlika Highway ng Brgy Gadgaron, Matnog, Sorsogon, muli na namang kumilos ang mga tauhan ng magkasamang elemento ng Matnog Mps sa pamumuno ni PCINSP JERIC DON SADIA, ACOP; SPPSC; RMU5, PIB SORPPO, CIDG at 5RPSB kung saan nahuli ang pangalawa sa listahan ng Drug Watchlist sa Bayan ng Matnog, Sorsogon.

Naaresto ng grupo sa isinagawang buy-bust operation si AMUS GARINTO ESCANILLA, 42 taong gulang at nakatira sa Bgy Camachile, Matnog, Sorsogon, matapos nitong magbenta sa isang police poseur buyer ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance o ang suspetsadong methamphetamine hydrochloride (SHABU) sa halagang limang daan (P500.00) pesos.

Nakuha sa kanyang pangangalaga ang apat (4) na piraso pa ng plastic sachet ng nasambit ipinagbabawal na gamot; isang (1) balisong; at isang (1) unit ng Samsung cellphone.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Matnog PNP ang nahuling suspetsado, habang inihahanda ang kaso na isasampa sa kanya. At agad namang isinumite sa Sorsogon Crime Laboratory ang mga nasamsam na bawal na droga upang masuri.

Read 8582 times
Login to post comments