Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 6 Women's Month 2021
  • 2 of 6 Isumbong sa Kasurog
  • 3 of 6 Social Distancing is Important
  • 4 of 6 Facebook Cloning
  • 5 of 6 HealAsOne
  • 6 of 6 RD Mantra
Wednesday, 31 March 2021 13:45

PLTGen ELEAZAR bumisita sa Camarines Norte PPO Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Personal na nagpaabot ng pakikiramay at tulong si POLICE LIEUTENANT GENERAL GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR, OIC PNP, sa pamilya ng mga nasawi sa engkwentro sa pagitan ng kapulisan ng Bicol at NPA noong ika-19 ng Marso 2021 sa Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte.



Ginawaran rin ng natatanging pagkilala at parangal ang limang kapulisan na sina PSSg Roger A Estoy Jr.; Pat Benny Ric R Bacurin; Pat Jeremy C Alcantara; Pat Alex L Antioquia, at Pat Joey D Cuarteros sa kanilang katapangan, kabayanihan at pag-aalay ng buhay sa ngalan ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Kasama si PBGEN BARTOLOME R BUSTAMANTE, RD, PRO5 binisita rin ni PLTGen ELEAZAR ang dalawang nakaligtas na sina PCpl Eric C Hermoso, at Pat Aldrin M Aguito mula sa engkwentro. Sinigurado nito ang pagpapaabot na tulong upang mapadali ang paggaling na dalawang pulis.

Ang PNP Bicol kaisa ng buong organisasyon ay mas palalakasin ang depensibang operasyon upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga miyembro nito at upang wakasan na ang ilang dekadang pagpapahirap at pagkitil sa buhay ng mga inosenteng mamamayan ng mga rebeldeng grupong NPA.

Read 52 times
Login to post comments