“OPLAN Tabang” sa biktima ng bagyong Odette sa Biliran, Leyte inilunsad ng PNP-PRO5.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City–Bumiyahe patungong Eastern Visayas ang mga tauhan ng Police Regional Office 5 upang mamahagi at magpaabot ng tulong o ang “OPLAN Tabang” ni PBGEN JONNEL C ESTOMO sa Biliran, Leyte para sa mga nasalanta nang malakas na hagupit ng nagdaang bagyong “Odette”.

Kasama sa mga bumiyahe ang limang pu’t walong (58) miyembro ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) upang manguna sa isasagawang relief operations sa mga pamilyang biktima ng bagyo.
Dala nito ang tatlong man truck, isang PNP bus, isang hilux patrol, at isang van lulan ang 1000 foods packs mula sa Department of Social Worker and Development (DSWD), 100 sako ng bigas mula sa PRO5; at 10,000 halaga ng mga gamit para sa mga bata.

Ang mga ito ay tutulong rin sa patuloy na clearing operations sa lugar upang tulungang magsimulang bumango ang mga residente ng Leyte mula sa pagkakalugmok dahil sa pananalasa ng bagyo.

Sa pagbiyahe ng mga kapulisan ng PRO5 sa Biliran, Leyte baon nito ang mga salita ng pakikiisa at pagmamalasakit ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director, na kanyang sinabi noong send-off ceremony.

“Sa pagpunta ninyo sa inyong destinasyon baunin ninyo ang pakikiisa nating lahat at ng bawat Bikolano kasabay ang ating hangarin na tulungan sila sa kanilang muling pagbangon. Sa ating munting paraan, muli nating buhayin ang pag asa sa puso ng bawat indibidwal, pamilya at komunidad na mapagtagumpayan ang pagsubok na ito.”

Isa rin itong patunay nang buong pusong pagdamay at pag-agapay ng pulisya ng PRO5 bilang tinaguriang mga KASUROG Cops—mga tunay na kakampi ng lahing kayumanggi.