RD ESTOMO inihatid ang P989K tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong “Odette” sa Eastern Visayas.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Patuloy ang pangingibabaw ng pagkakaisa ng kapulisan ng Bicol upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta nang matinding paghagupit ng nagdaaang bagyong Odette sa Eastern Visayas.

Personal na inabot ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 ang halagang Php 989, 500.00 sa Police Regional Office 8 na tinanggap ni PBGEN ROMMEL BERNARDO A CABAGNOT, RD bilang tulong pinansyal na nalikom mula sa boluntaryong donasyon ng mga kawani ng PNP Bicol. Ito ay nakatakdang ipamahagi sa mga kapulisan ng PRO8 na higit na naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Bukod dito, sa ikalawang pagkakataon dala rin ng PNP-PRO5 ang nagkakahalagang Php 62, 240.00 assorted relief donations na ibinahagi ng iba’t ibang Police Provincial Offices, City Police Office at separate unit ng naturang unit.

Naging daan rin ang PNP Bicol upang muling dalhin sa Eastern Visayas ang 500 food packs galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang PNP-Bicol ay nanatiling buo ang loob at nakahandaang magbigay ng tulong sa mga kapatid nating naapektuhan ng bagyong Odette. Ito rin ang pagpapakita ang pagmamalasakit at pagdamay habang sila at patuloy na bumabangon sa dagok na dulot ng bagyo.

Ang mga kawani ng PNP Bicol na tinagurian bilang mga KASUROG Cops ay nakahandang tumulong sa mga nangangailangan kahit kailan at kahit saan.