Alamin: Maglalagay na ng mga COMELEC Checkpoint simula Enero 9, 2022.

PNP-PRO5 at COMELEC magkasamang ipapatupad ang checkpoint sa pagsisimula ng election period.

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City— Pinangunahan ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, Regional Director kasama ang Commission on Election (COMELEC) 5 sa ilalim ng liderato ni Atty Rafael B Olaño, Regional Election Director ang “Simultaneous Launching of COMELEC Checkpoint” bilang hudyat ng pagsisimula ng 150 araw ng election period para sa nalalapit ng “National and Local Election” sa Mayo 9, 2020.

Ito ay nagsimula ganap na 12:01 ng madaling araw nitong Enero 9, 2022 hanggang sa Hunyo 8, 2022. Sa panahong ito inaasahan ang mahigpit na pakikiisa ng mga otoridad sa implementasyon ng checkpoint kaugnay ng pagpaptupad ng election gun ban.

Ang PNP-PRO5, COMELEC, at force multipliers ay regular na maglalatag ng checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Bicol upang mapigilan ang pagkalat ng mga baril at patalim. Layon din nitong mapigilan na maging dahilan sa pagsasagawa ng ano mang krimen na maaring makaapekto sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Inaasahan naman ang istrikto at maingat na pagsunod ng mga kapulisan, kasundaluhan, at force multipliers sa ipinalabas na panuntuhan ng COMELEC sa pagsasagawa ng checkpoint na nakapaloob sa Resolution No. 10741.

Pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang publiko sa pansamantalang suspensyon ng “permit to carry firearms outside residence at license to possess firearms” sa nasambit ng election period.

Ang maari lamang magdala at gumamit ng baril ay ang mga kawani ng pamahalaan katulad ng mga law enforcers at miyembro ng Bureau habang nakauniporme at nakaduty.

Hinimok rin ng pamahalaan ang kooperasyon at suporta ng komunidad upang gawing matagumpay ang hakbang na ito bilang bahagi ng preparasyon sa halalan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, payapa, tapat at malayang pagboto. Makakaasa ang publiko na bukas ang himpilan ng PNP-PRO5 at sapat ang kahandaan nitong magbigay nang dekalibreng serbisyo para sa mga Bicolano.