Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Muling nanguna ang Police Regional Office 5 (PRO5) nang ito ay tanghalin bilang “top performing unit” batay sa ipinalabas na resulta ng Unit Performance Evaluation Rating para sa taong 2021 ng National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.

Mula sa labing pitong (17) Police Regional Offices (PROs) ang PRO 5 ang nagkamit ng pinakamataas ng rating na 91.89%.

Ang rating na ito ay hango sa pinagsamang adminstrative at operational accomplishments ng unit sa nakaraang taon. Ito rin ay patunay sa walang humpay at natatanging sigasig ng kapulisan upang gampanan ang tungkulin nitong panatilihin ang kabuuang kaayusan sa rehiyon.

Malaki rin ang pagtanaw ng utang na loob ng unit sa publiko dahil sa patuloy nitong pagsuporta at kooperasyon sa mga aktibidad na PNP.

“Lubos ang aking pasasalamat sa mga Bicolano sa kanilang ibinibigay na pagtitiwala sa aming hanay. Gayundin ang aking pagkilala sa lahat ng miyembro ng PNP-PRO5 sa kanilang pagsasakripisyo upang muli’t-muling gawing ligtas at payapa ang rehiyong Bicol,” ayon kay RD ESTOMO.