Police Regional Office 5 website uses cookies to ensure you get the best experience on our website. By continued use, you agree to our data privacy policy and accept our use of such cookies.

MENU
  • 1 of 5 RD Mantra
  • 2 of 5 Isumbong sa Kasurog
  • 3 of 5 Social Distancing is Important
  • 4 of 5 Facebook Cloning
  • 5 of 5 HealAsOne
Wednesday, 02 June 2021 13:39

3 miyembro ng PMA Tanglaw Diwa Class 1992 bumisita kay RD ESTOMO at pinangunahan ang pagtatapos ng 156 BISOC Trainees Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City- Pinangunahan ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 bilang Guest of Honor and Speaker sa seremonya ng pagtatapos ng 156 na pulis sa kanilang 480-oras na pagsasanay ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) ngayong araw, ika-2 ng Hunyo 2021 na ginanap sa PRO5 Grandstand, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Dinaluhan rin ang nasabing pagdiriwang ng tatlong miyembro ng PMA Tanglaw Diwa Class of 1992 na sina PBGEN BERNARD M BANAC, Director, PNPTS; PBGEN ULYSSES G CRUZ, Ex-O, DIPO-SL; at PBGEN ANTONINO R CIRUJALES, Ex-O, DHRDD.

Ginawaran naman ng parangal at pagkilala ang mga BISOC trainees na nanguna at nagpakita ng mataas na dedikasyon Sa nasabing pagsasanay.

Iginawad ang Medalya ng Papuri kina Pat Vinh M Rodriguez; Pat Kristine May P Dela Cruz; at Pat Gibson B Ebo bilang top 3 sa mga nagtapos. Binigyan din ng leadership award at medalya ng Papuri si Pat Tom Jones M Timuat bilang pangkalahatang marcher pati na rin si Patrolwoman Cristina P Macaro bilang presidente ng buong klase.

Pinarangalan din ng Top Gun Marksmanship Award (Pistol) sina Pat Herold P Balmoria at Pat Ma. Belen I. Rosas; Top Gun Marksmanship Award (Rifle) naman kina Pat Jeraldy A Paliza at Pat Diana Lyn R Buenafe.

Ang mga bagong pulis na nagtapos ay inaasahang magiging karagdagang pwersa upang tuluyang supilin ang insurhensya at iba pang kriminalidad sa rehiyon. Sila ay itatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 5.

Bilang mga bagong miyembro ng organisasyon, pinaalalahanan ni RD ESTOMO tungkol sa kasaluluyang programa ni CPNP, PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR na Intensified Cleanlines Policy o ICP na naglalayong linisin ang hanay ng kapulisan sa mga scalawags.

Binigyan nya rin ng diin ang kanyang adbokasiya sa pagpapanatili ng kaayusan sa rehiyon na nakaangkla sa SAFE Bikol--Serbisyong KASUROG Cops na nakikita (Seen), nararamdaman (Felt), napapahalagahan (appreciated) mula sa extraordinaryong (extraordinary) mga inisyatibo.

“Ang buhay ng isang pulis ay hindi madali. Ngunit lagi nyo sanang tatandaan na ito ay di lamang isang karaniwang trabaho; ito ay isang bokasyon at oportunidad na maglingkod sa bayan, isang pagkakataon na di naibibigay sa lahat", dagdag ni RD ESTOMO.

Sa kabilang dako, nagbigay din ng donasyon na Laptop para sa Regional Special Training Unit 5 ang presidente ng Bless Our Cops Movement Inc. na si Pastor Bernabe V. Manuel Jr kasama ang PRO5 Life Coaches.

Read 240 times Last modified on Wednesday, 02 June 2021 13:42
Login to post comments